YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

Mga makukulay na pocket coats, patok sa mga turista sa Boracay ngayong tag-ulan

Posted July 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Blue, green, at yellow.

Meron ding pula, yellow green at sky blue.

Ito ang iba’t-ibang kulay ng pocket coats o kapote na patok sa mga turista sa Boracay ngayong tag-ulan.

Mistula kasing ayaw paawat sa pamamasyal sa long beach ng Boracay ang karamihan sa turista dito sa kabila ng nararanasang sama ng panahon.

Kaya naman nakakita ng pagkakataon ang mga beach front vendors na kumita parin kahit maulan sa pamamagitan ng paglalako ng mga nasabing kapote.

Maliban sa pocket-size o maliit lang at madaling iligpit pagkatapos gamitin, iba-iba pa ang kulay at pocket-friendly din ‘ika nga ang presyo.

Samantala, aminado naman ang mga pocket coat vendors na iba-iba din ang kanilang presyo, depende sa turista kung marunong tumawad.

Nabatid na may mga turistang nakakabili ng pocket coats sa kulay na gusto nila sa halagang 50 pesos, 80 pesos at 100 pesos ang isa, mamamasyal sa long beach at magpapa-‘selfie’sa ulan.

1 comment:

  1. mahal, dito sa amin 30pesos lng,hehehehehe...

    ReplyDelete