YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 08, 2014

Lalaking naghamon ng away sa loob ng isang grocery store sa Boracay, ikinustodiya ng pulis

Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pansamantalang ikinustodiya sa Boracay PNP Station ang isang lalaki matapos na umano’y maghamon ng away sa loob mismo ng isang grocery store sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, inereklamo ng dalawang babae na sina Antoniet Gervacio, 32 anyos at Leonor Espinoza, 37 anyos ang lasing na lalaki na nakilala namang si Pedring Acer, 33 anyos ng Culasi Roxas City Capiz.

Sumbong ng dalawa sa mga pulis, pasado alas nuebe kagabi nang pumasok umano ang lalaki sa loob ng grocery store at biglang nagsisisigaw at naghahamon ng away sa mga costumers.

Dagdag pa ng isa sa mga nagrereklamong babae na ilang gabi din umano ang nakalipas na ganito rin ang ginagawa ng nasabing lalaki tuwing pumapasok sa nasabing grocery store.

Dahil sa kalasingan at panggugulo ay pansamantala munang ikinustodiya ang nasabing lalaki sa Boracay PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment