YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 02, 2014

PCG, naka-alerto pa rin sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa Aklan

Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay

Naka-alerto pa rin sa ngayon ang Philippine Coastguard sa pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa Aklan.

Ito ay dahil sa patapos na ang holiday season kung saan inaasahang maraming mga pasahero ang magsisipag-balikan sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon sa Philippine Coastguard Caticlan, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga pantalan lalo na sa Caticlan Jetty Port.

Kung saan ilan sa mahigpit na kanilang binabantayan ay ang pagsakay ng mga pasahero sa mga barko at bangka.

Gayundin ang bilang ng mga ito lalo pa nga’t mahigpit ding ipinapatupad ang minimum na bilang ng mga pasahero para maiwasan ang overloading.

Kaugnay nito, mahigpit ring pina-alalahanan ng pamunuan ng PCG ang mga pasahero na kung may napapansing mga kahina-hinalang mga bagay o pangyayari ay magsumbong agad sa mga otoridad o sa kanila mismong tanggapan.

No comments:

Post a Comment