Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Ito ay dulot ng nararanasang tail –end cold front na ibinaba ng
Pag-asa.
Ganunpaman, hindi pa rin napigilan ang mga residente na ipagdiwang ang
bagong taon, katunayan, kaliwa’t kanan pa rin ang mga nagpapa-putok.
At may kaniya-kaniya ring mga gimik ang bawat isa sa pagsilay sa 2014.
Ngunit, nabatid na, halos limampung porsyentong mga mamamaya ang
nagsabing ito na ang pinaka-malungkot na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ay dahil na rin sa hanggang sa kasalukuyan ay ramdam pa rin sa
probinsya ang hagupit na iniwan ng bagyong Yolanda noong Nobyembre, nang
nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment