YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 02, 2014

Biktima ng mga paputok sa Aklan, umabot sa tatlo

Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay

Umabot umano sa tatlo ang biktima ng paputok sa probinsya ng Aklan.

Kung saan nabatid na ang mga biktima ay nagtamo ng kaparehong sugat sa katawan, ito’y matapos na pumalpak sa pagpapaputok.

Nabatid na ang isa sa mga biktima ay inilagay umano ang tweetis sa loob ng lata, sabay sindi ngunit hindi ito pumutok.

At nang hawakan na, ay saka lamang umano ito pumutok sa kamay dahilan para ito ay masugatan.

Habang ang isa naman umano ay naputukan ng Whistle bomb, ito ay sa pag-aakalang naitapon na ang paputok, ngunit sa halip na paputok ang naitapon, sigrailyo pala.

Hanggang sa kasalukuyan, ay inaalam pa ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng firecrackers o naaksidente sa pagsalubong sa Bagong Taon sa buong probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment