Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aniya, ang cruise ship na darating sa Miyerkules ay may
pangalang MS Costa Victoria at ang sa araw ng Huwebes naman ay ang MS Europa 2.
Nabatid na dadaan muna sa Puerto Princesa ang MS Costa
Victoria at ang MS Europa ay dadaan naman ng Manila bago dumiritso ng Boracay.
Sa kabilang banda inaasahan namang magkakaroon ng island
hopping ang mga turistang sakay ng barko at mag-iikot sa mga sikat na lugar sa
isla kabilang na sa mga souvenir shops.
Kaugnay nito preparado narin ang gagawing seguridad ng
Philippine Coastguard (PCG) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para
sa mga bisitang dadayo sa Boracay.
Samantala, higit pa sa sampung mga cruise ship ang
inaasahang dadayo sa isla ng Boracay ngayong taon 2014.
No comments:
Post a Comment