Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Katunayan, ilan sa mga matatandaang Italian Nationals na sakay ng barko ang nag-kwento na “first time” at excited umano na makita ang isla kung saan sinasabing isa mga magagandang “beach destination” sa mundo.
Sinalubong naman ang mga ito sa Cagban Port ng mga tunog ng tambol ng Libo-o Ati-Atihan Tribe mula sa Nabas, Aklan.
Sa halip na multicab, ay mas pinili naman ng ilang
mga turista na sumakay ng tricycle para libutin ang mga lugar sa isla.
Maliban naman sa mga kasapi ng Department of
Tourism (DOT), Jetty Port Administration, at Local Government Unit ng Malay, kasama
rin sa mga masayang sumalubong ang District Congressman ng Aklan na si
Teodorico Haresco Jr.
Dumaong ang nasabing barko bandang alas-otso ng
umaga kanina at nakatakdang bumalik ng alas saes ngayong hapon kung saan
didretso naman ito ng Hongkong.
Ang MS Europa II ay ang ikalawang Cruise Ship sa
sampung nakatakdang mga barko na dadaong sa isla para sa taong 2014.
No comments:
Post a Comment