Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ito ay batay sa datus na ibinigay ni Administrative
Aid III, Jay-L Pelayo ng Aklan-Provincial Health Office (PHO).
Aniya, kasalukuyan nang nagkakaroon ng mga programa
ang local na pamahalaan para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga
Aklanon.
Isa na umano ay ang maramihang pagbabakuna lalo na
sa mga kabataan na syang madalas tamaan ng nasabing sakit.
Sa kabilang dako, ayon naman kay Aklan Expanded
Program on Immunization (EPI) Coordinator, Bella Villaruel.
Nabatid rin sa isang pahayag ni Health Sec. Enrique
Ona na tatagal pa umano hanggang sa summer outbreak ang tigdas sa bansa.
Dahil dito, pinupulong umano ang lahat ng mga Local
Government Units (LGU) para agad na masimulan ang maramihang pagbabakuna.
Samantala, dahil naman sa maramihan ngayong mga
festival sa iba’t-ibang panig ng bansa, nanawagan umano ang ahensya na kung
maaari ay huwag nang sumama ang may mga tigdas dahil mabilis itong makahawa.
Ang pagkakaroon ng tigdas ay maaaring magdulot ng
singaw sa balat, pamamantal, ubo, sipon, iritasyon o
pangangati ng mga mata, at lagnat.
Maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng
pagpapabakuna, pag-inom ng maraming tubig at sapat na pahinga.
Ang tigdas ay sakit na kadalasang sanhi ng virus na
tinatawag na “Morbillivirus paramyxovirus”.
No comments:
Post a Comment