YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 20, 2014

Mga security guards na may criminal records, patuloy na tinututukan ng Boracay PNP

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy umanong tinututukan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang mga security guards sa isla ng Boracay na may criminal records.

Ayon kay BTAC Officer in charge P/Insp. Fidel Gentallan.

Maliban sa upang matiyak na malinis ang record ng mga sekyu, tinututukan din umano nila ang mga security guard na sangkot sa awayan sa lupa o land dispute dito.

Ayon pa kay Gentallan, malalaman nila kung may mga naka-file at mga pending cases o criminal record ang mga security guard kapag kukuha ang mga ito ng police clearance sa BTAC.

Samantala, nilinaw naman ni Gentallan na bagama’t kasama sila sa mga tumututok sa mga security guards sa isla, hawak parin umano ng Firearms and Explosives, Security Agencies and Guards Sections (FESAGS) ang mga record at pagsusuri sa mga nasabing sekyu.

Kamakailan, isang lalaki sa Boracay ang napaulat na nabaril at napatay ng isang duty security guard na may kasong kriminal.

No comments:

Post a Comment