YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 20, 2014

Lalaking nagmomotorsiklo sa highway ng Ibajay, Aklan, sumalpok sa isang truck, patay, asawang back rider, sugatan

Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay

Mag-ingat.

Ito ang madalas na paalala ng mga otoridad sa mga nagmamaneho ng sasakyan upang makaiwas sa aksidente.

Subali’t sa high way ng Naisud, Ibajay, Aklan, kahapon ng hapon, patay ang isang lalaki at sugatan ang kanyang asawang back rider matapos sumalpok sa isang truck habang nagmomotorsiklo.

Kinilala ni PO2 Ian Sastre ng Ibajay Police Station ang mga biktimang sina Efren Dumos y Macahilig, 57 anyos at Perla Dumos 56 anyos, pawang mga residente ng Caticlan, Malay, Aklan.

Base sa kanilang imbistigasyon, nangyari ang insidente nang mawalan ang mga ito ng kontrol at sumalpok sa nakasalubong na truck na Mitsubishi Canter.

Nag-over take umano kasi sila sa isang L300 Van na papuntang Caticlan, habang nasa delikadong kurbada doon malapit sa boundary ng Rigador, Ibajay.

Dahil dito, dead on the spot ang biktimang si Efren, habang isinugod naman sa isang ospital sa bayan ng Kalibo ang asawa nitong si Perla, dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Buluntaryo namang sumuko sa Ibajay PNP ang drayber ng truck na si Nestor Ladigohan, 57 anyos ng Lambunao, Iloilo.

Samantala, nabatid na marami na ang naaksidente sa nasabing lugar, dahil sa kurbada nitong tila letter ‘S”.

No comments:

Post a Comment