Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Yakap ni kamatayan ang natikman ng isang pintor, matapos
itong masaksak sa barangay Balabag, Boracay Linggo ng hapon.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang kuwarenta’y tres anyos
na biktimang si Danny Bautista ng Naile, Ibajay, Aklan at kasalukuyang
nagtatrabaho bilang pintor sa islang ito.
Dakung alas tres y medya Linggo ng hapon habang pauwi na sa
kanilang barracks ang biktima ng mangyari ang insidente.
Sinasabing sa hindi nalamang dahilan ay niyakap umano ito ng
suspek na nakilala lamang sa pangalang Boboy Tapwis ng Agcawilan, Lezo, Aklan,
at dalawang beses na sinaksak sa tiyan.
Dahil sa tinamong sugat ay kaagad namang isinugod sa ospital
ang biktima, kung saan masusing binabantayan ang kanyang kalagayan.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na
katrabaho rin mismo ng biktima.
No comments:
Post a Comment