Ni Bert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Tama lang ang ginawa ng LGU.
Ito ang sinabi ni DOT o Department of Tourism officer in
charge Tim Ticar sa Boracay, kaugnay sa hakbang ng LGU na huwag bigyan ng
permit ang anumang party o maiingay na aktibidad sa isla sa araw ng Biyernes
Santo.
Bagama’t sinabi nito na pumupunta ang mga turista sa Boracay
para makipag-party.
Naniniwala naman si Ticar na karamihan sa mga turista ay mga
Katoliko rin at hindi nagpa-party sa nasabing araw.
Nararapat lang din naman umano kasi na kahit isang araw manlang
ay mabigyang halaga ang pagninilay-nilay.
Maliban dito, ang nasabing hakbang ng LGU ay makakadagdag pa
umano sa pangalan ng Boracay bilang Christian country in Asia, sa pagpapakita
na ang Boracay ay hindi lang pang-“all time party”.
Kung kaya sila umano sa DOT ay hindi naniniwalang kawalan sa
turismo kung walang party sa Biyernes Santo.
Kaugnay nito, tiniyak parin ni Ticar na mag-i-enjoy ang mga
bakasyunista, dahil sa napakagandang isla at maputi nitong buhangin.
No comments:
Post a Comment