Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Sugatan ang trenta’y sais anyos na lalaki matapos tagain sa
sitio Hagdan barangay Yapak, Linggo ng hapon.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang biktimang si Edgar
Ballenas, residente ng nasabing lugar.
Pauwi na umano ito dakung alas tres ng hapon nang madaanan
nito ang grupo ng mga suspek na nag-iinuman.
Tinawag umano ito ng isa sa mga suspek na si Eddie Castillo,
trenta’y otso anyos na dinedma naman biktima, dahilan upang umano’y suntukin
siya ng suspek.
Lumapit naman ang isa pang suspek na si Edwin Moises na may
hawak na itak at tinaga ang biktima sa kanyang kaliwang balikat.
Matapos respondehan ng mga pulis ang insidente ay kaagad
namang natimbog ang mga suspek at ikinostodiya sa Boracay PNP station.
No comments:
Post a Comment