YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 26, 2012

Tambisaan Port, masikip!


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kulang ang espasyo sa Tambisaan Port.

Ito ang tinuran ni Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito kaugnay sa obserbasyon nito sa pantalan ng Tambisaan partikular sa daungan ng bangka pati na rin sa parking space ng mga sasakyan.

Aniya, napansin nito na walang kaukulang loading at unloading area sa lugar na ito kaya nagsisiksikan at tila walang diresksiyon ang mga sasakyan pati na din ang mga bangka doon kaya kahit saan ay sumisinggit na lang.

Maliban dito, nakita din aniya nito na wala din halos miyembro ng Malay Auxiliary Police (MAP) sa naturang lugar upang umalalay sa daloy ng trapiko.

Bunsod nito, nagrekomenda si Gelito na kung maaari ay paunlarin din ang Tambisaan port na ito upang maging kanais-nais din maaayos para sa mga dumadaang turista.

No comments:

Post a Comment