YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 29, 2012

Pulis sa Aklan, huli sa pagtutulak ng droga!


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Natutuwa na sana ang Aklan Pulis dahil naging positibo at matagumpay ang isinagawang buy bust operation ng Provincial Intelligence Investigation Branch (PIIB) at Kalibo Police laban sa isang babaeng tulak droga na kinilala bilang si Ethel Ann Pabiosa ng Balintawak, Escalante, Negros Occidental kahapon ng alas-5 ng hapon sa bayan ng Kalibo.

Subalit hindi akalain ng otoridad na sa gagawin nilang follow up operation ay kapwa pulis din pala ang kanilang madadatnan nang tukuyon ito ni Pabiosa na ka-text dnito at diumano ay isa din sa mga dealer ng pinaghihinalaang shabu.

Ito ay matapos makuha mula sa bulsa ng pinaghihinalaang suspek ang isang sachet ng suspected shabu pati na rin ang marked money sa isinagawang operasyon sa isang bus terminal kagabi matapos na magkasundo ang mga ito na doon magkikita.

Nagbigay ng daan upang mahulog sa kamay ng awtoridad ang pulis na kinilalang si PO2 Edcel Tan, tubong Iloilo, at naka-duty sa Aklan Provincial Public Safety Management Company (APPSMC), ang kanyang cell phone na nakuha mula sa unang nahuling suspek na si Pabiosa.

Napag-alaman ding si Tan ay may isang buwan pa lamang sa APPSMC mula Alatvas Police Station, pero bago ito ma-assign sa Aklan ay doon din ito nagmula sa siyudad ng Iloilo. 

No comments:

Post a Comment