YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 10, 2012

Konstraksiyon worker sa Boracay, nakuryente na, nahulog pa


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Maliban sa pagkakakuryente sa isang konstraksiyon worker nitong umaga, posibleng dahil sa pagkakahulog din umano ng biktima sa gusaling ginagawa nila ang dahilan ng kamatayan nito.

Sa pangungusisa ng Boracay Police, nabatid na makaraang makuryente ay nahulog pa mula sa 3rd Floor ang biktimang si William Postorioso ng Makato, Aklan.

Ayon sa kasamahan din nitong konstraksiyong worker na si Ructhil Mateo, nakita nito ang biktima na nagputol ng isang kapirasong alambre para itali sa pundasyon ng kanilang ginagawa sa 3rd floor.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natabing o nasagi ng alabre ang live wire ng Akelco na halos may isa at kalahating metro ang layo mula sa pundastong ginagawa nila.

Mula doon ay nakita lang din aniya ni Mateo na nahulog na ang biktima.

Sa ganong ayos, na lapnos ang katawan dala ng pagkakakuryente at pagkahulog mula sa gusali, deniklarang Dead on Arrival ni Dra. Florence Aubrey Manon ng Boracay Hospital si Postorioso.

Naganap ang nasabing insedente nitong umaga banda 10:30 sa Sitio Bantud Barangay Manoc-manoc. 

No comments:

Post a Comment