YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 09, 2012

Dahil sa ECC, CENRO Officer ng Boracay, natahimik sa sesyon

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat kinumpirma kahapon ni Mersa Samillano, bagong Community Environmental and Natural Resources Officer ng Boracay, na may Environmental Compliance Certificate (ECC) na ang isang kumpaniya ng tubig sa Boracay para sa gagawing paghuhukay upang paglatagan ng tubo, hindi pa rin ito nakalusot mula kina SB Members Esel Flores at Rowen Aguirre.

Pagkarinig pa lamang ni Flores sa pahayag ni Samillano, binalikan agad nito ng tanong ang CENRO Officer, kung bakit nauna pang magbigay ng ECC ang DENR gayong wala pang pag-endorso mula sa konseho, lalo pa at ang lokal na pamahalaan sana umano ang nakakaalam kung kritikal o hindi ang lugar na tinutukoy na paglalagyan o paglalatagan ng straktura o proyekto.

Sinegundahan din ito ni Aguirre ng pagpuna na may pagkakataon umanong nau-una at mabilis pa umanong magbigay ng ECC ang DENR kahit na hindi pa ito naiad-daan sa namamahala sa isang lokalidad.

Mula doon ay ihinalimbawa ni Aguirre ang sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan na kontrobersiyal pa rin hanggang sa ngayon dahil din sa katulad na pangyayari.

Dahil sa mga katanungang ito, hindi na nakasagot pa si Samillano makaraang siya ang balingan ng ganoong mga pagkuwestiyon at pahayag. 

No comments:

Post a Comment