YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 09, 2012

“Balik Eskwela Diskwento Sale”, ikakasa sa Aklan

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ngayong magbubukas na ang pasukan at para hindi mabiktima ng over pricing sa pamimili ng mga school supplies lalo na ang mga magulang.

Mas mainam na mamili ayon kay Department of Trade and Industry DTI-Aklan Director Diosdado Cadena sa petsa simula ika labin lima ng hanggang ika dalawangpu ng buwang ito o sa susunod na linggo.

Sapagkat ang DTI sa buong bansa ayon dito ay may inilunsad na programa sa petsang ito kung saan ang ilang mga pangunahing  retail Outlet at establishemento sa Aklan kasama na ang sa Caticlan at isla ng Boracay ay magkakaron ng promo na tinatawag na “Balik Eskwela Diskwento Sale”.

Kung kaya’t puspusan na ayon kay Cadena ang kanilang pag-imbita sa mga retail outlet at estalishemeto sa buong bayan sa Aklan para sumali sa “Balik Eskwela Diskwento Sale”.

Dagdag pa ng Director, malalanam naman aniya ng mga mamimili kung kasali nga ang isang estalishemento ito sa promo, dahil mayroong tarpaulin na ilalagay ang DTI.

Kayo payo ni Cadena sa mga mamimili ng School Supplies para sa darating na pasukan na e-avail ang nasabing promo para makatipid. 

No comments:

Post a Comment