YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 15, 2017

Boracay, Instagram top location sa Pilipinas

Posted February 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracayKinilala ang isla ng Boracay bilang isa sa top location sa bansa para sa mga Instagram o IG users.

Ayon kay Benjamin Beck ng Home Away Travel sa isang mensahe nito na ipinadala sa e-mail, hindi na umano nakakagulat na ang Boracay ay maging “most- loved location” ng mga mahilig mag- instagram posts.

Napag- alaman na sa pagsubaybay ng naturang travel website, nakakuha ang Boracay ng 71, 608 likes na sinundan ng Coron Island sa Palawan na mayroong 47,259 likes.

Maliban sa mga nabanggit na tourist destination sa Pilipinas, umabot din sa  37,436 likes ang Chocolate Hills sa Bohol, ang Enchanted Kingdom na may 14,201 likes, na sinundan ng Quezon Memorial ,San Agustin Church sa Intramuros Maynila, Hundred Islands National Park sa Pangasinan ,Rizal Monument at ang Malacañang Palace.

Ayon sa Home Away Travel, ang Pilipinas ay ika- sampu sa Most Loved Instagram Locations sa Asya.

Samantala, nangunguna pa rin ang bansang Japan sa buong Asya.

Tuesday, February 14, 2017

MS Celebrity Constellation dumaong sa Boracay

Posted February 14, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: ocean, outdoor and water
Ganap na alas- otso kaninang umaga ng dumating ang barkong MS Celebrity Constellation sa isla ng Boracay.

Nabatid na lulan nito ang mahigit dalawang libong mga pasahero, at mahigit kumulang isang libong mga crew.

Subalit ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, hindi na nagawang bumaba ng mga pasahero sa Cagban Port ng nasabing barko dahil sa malakas na alon kung saan umangkla lang ito at umalis din ng alas- diyes trenta kaninang umaga.

Ang MS Celebrity Constellation ang pangalawang barkong bumisita ngayong taon dito sa isla.

Samantala bukas, Pebrero 15 ay aasahan naman ang  pagdating ng MS Europa II ng alas- dose ng tanghali na magtatagal hanggang alas- syete ng gabi.

Basura sa Boracay, ayusin- Sualog

Posted February 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for basura“Basura sa Boracay, ayusin”

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog sa ginanap na session nitong Martes sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Ang komento ay nag-ugat pagkatapos ng presentasyon ni Engr. Arnold Solano, OIC ng Solid Waste Management ang estado ng mga basura sa isla kung saan ito ay kinabibilangan ng tatlong barangay sa Boracay.

Ikinagulat ni Sualog ang umano’y pagkakaiba ng presentasyon ni Solano sa aktwal na itsura ng Manoc-manoc centralized MRF na ayon pa sa Vice Mayor na ang mabahong amoy nito ay nalalanghap ng mga residente malapit doon.

Isa-isa ring inusisa ng mga SB Memebrs kung ano ang mga pagbabagong ginagawa ng Solid Waste lalo na sa pag-kolekta at pag-ayos ng Centralized MRF sa Manoc-manoc.

Tanong ni SB Bautista, paano umano makokolekta ang lahat ng basura sa isla kung sa kontrata pa lang ng haulers ay hindi nababayaran kung saan sinagot naman ito ni Solano na naipasa na umano ang budget nito sa accounting office pero hindi niya alam kung bakit hindi pa naibibigay.

Maliban kay Solano, naging bisita rin sina Alma Belejerdo- MPDC-BAC Chairman, Shala Amacio-MRF Supervisor at Charlie Solis Hauler-Residual Waste.

Monday, February 13, 2017

DPWH, hiniling sa SoKor na punduhan ang Guimaras Bridge Project

Posted February 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for guimaras bridgeHiniling ng Department of Public Works anfgd Highways (DPWH) sa South Korean government ang pagpupundo para sa posibilidad na pagpapatayo ng tulay na magkokonekta sa Guimaras at Iloilo.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, sa pagbisita umano ni Senator Franklin Drilon noong nakaraang buwan ng Enero ay nagbigay na umano ito ng sulat sa Seoul para sa financial assistance na gagamitin para pag-aralan ang mga gastos na gagamitin para sa pag-bebenipisyo ng 2.6-kilometer Iloilo-Guimaras bridge.

Sinabi ni Drilon sa pagbisita sa inagurasyon ng P180-million Muelle Loney Bridge sa bagong terminal ng Iloilo City, ito umanong tulay ay makakaya nilang tapusin dahil hindi masyadong mahaba ang span nito at hindi rin mahirap pondohan ito.

Samantala, kinumpirma naman ni Singson na ito umanong proyekto ay technically at structurally na magagawa subalit sinabi nito na kailangan pa nila ng pag-aaral ukol sa posibilidad na pag-papagawa.

At kung sakali man umano ang cost-benefit na inisyu dito ay sakto ay hindi ito problema sa pagpagawa.

Nabatid na sumulat umano ang Regional Development Council of Western Visayas kay Singson noong nakaraang taon hinggil sa naturang proyekto.

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Economic and Development Authority Regional Assistant Director Raul Anlocotan ang naturang tulay umano ay isang malaking suporta para sa provincial governors at congressmen dahil naniniwala sila na ang mga proyekto ay mapalakas ang economic growth ng Guimaras.

Dagdag pa ni Anlocotan na ang Guimaras umano na matatagpuan sa southeast ng Panay ay maaring i-promote bilang alternatibong island destination.

PSA, naglabas ng bilang ng mga illegitimate child sa Aklan

Posted February 13, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for illegitimate child word
Nagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng bilang ng mga illegitimate child sa Aklan base sa datos ng taong 2016.


Nakita sa datos na anim sa sampung ipinapanganak sa Probinsya ay illegitimate.

Umabot sa 13,943 ang registered births noong nakaraang taon kung saan 8,502  o  61% ay ipinanganak sa mga magulang na hindi kasal habang 5,441 o 40% ay mga lehitimong anak.

Nabatid na ang nakakuha ng may pinakamataas na porsyento na may illegitimate child ay ang bayan ng Buruangga na umabot sa 76 %  na nadagdagan ng higit sa kalahati mula sa 261 sa taong 2015.

Kaugnay nito, ang mga bayan din ng Malay, Madalag at Batan ay may mataas din na kaso ng illegitimate child.

Sa kabilang banda, ang bayan ng Malinao ang may mataas na bilang ng mga lehitimong anak na may 50% na sinundan ng  Makato at bayan ng Kalibo.

Napag- alaman na karamihan sa mga inang nanganak ay nasa pagitan ng edad na 20 hanggang 24  habang  umabot naman sa 1, 427 ang naipanganak ng mga teenager na nasa edad 19- anyos pababa.

Samantala, ayon kay PSA Aklan officer Antonet Catubuan, ang mga datos ay nabuo mula sa mga kopya ng mga birth certificates sa 17 lokal na tanggapan ng civil registry sa Aklan na isinusumite sa  bawat katapusan ng buwan.