YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 23, 2018

Tinibag na Boracay West Cove Resort, muling pinasilip sa Media

Posted April 23, 2018
Yes The Best Boracay NEWS --- Muling pinasilip sa mga miyembro ng media ang tinibag na Boracay West Cove kaninang umaga.

Pagkatapos ng ginawang press briefing ng Metro Boracay Police Task Force kasama si DILG Asec Manuel Felix sa Caticlan Jetty Port ay  ng grupo ang konstrobersyal na resort.

Halos nasa 40% na ang natibag sa main structure ng Boracay West Cove kung saan bantay sarado ito ng mga otoridad.

Noong nakaraang buwan ng Marso ay tuluyan ng pinahinto ang operasyon nito pagkatapos silbihan ng “Closure Order” ng LGU Malay.

Ininspeksyon din ng Task Force ang kahabaan ng long beach bago bumalik sa Information and Action Center sa Cagban Jetty Port.

Ayon kay PRO 6 Police Senior Superintendent Jesus Cambay Jr., sa Information and Action Center manggagaling ang lahat ng impormasyon sa panahon ng rehabilitasyon.

Dito rin aasikasuhin ang lahat ng security issues and concerns ng mga stakeholders at ng mga residente.

Samantala, apela nila na huwag mag-atubiling magtanong lalo na sa mga katanungan hinggil sa demolition at iba pa.


1 comment: