YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 23, 2018

Pag-issue ng Terminal Id Pass, pinalawig hanggang Miyerkules


Posted April 23, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: textIn-extend ng Caticlan Jetty Port Management ang pag-issue ng Terminal ID Pass hanggang araw ng Miyerkules, Abril 25.
Base sa ipinalabas na abiso, pinalawig na ang pagbibigay ng Terminal Pass para may pagkakataon pa ang ilang manggagawang hindi nakasingit sa mahabang pila nitong nakalipas na linggo.

Sa panayam ng himpilang ito kay Caticlan Jetty Port Special Operation III Jean, marami-rami pa rin ang bilang ng mga hindi pa nakakakuhang workers ng naturang ID Pass kahit na ginawa ang proseso sa dalawang Jetty Port.

Samantala, ipinapabatid din ni Pontero sa publiko na simula ika-26 ng Abril, ang schedule ng Bangka at Ferry Boats papuntang Boracay ng mga residente at workers ay mula lamang alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi habang ang mga residente naman ay alas-sais ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay inilabas ang notice na ang huling araw ng pag-iissue nito ay hanggang alas-singko ng hapon ng Abril 22.

No comments:

Post a Comment