YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 28, 2017

Dalawa sugatan sa shooting incident sa Boracay

Posted August 28, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for shooting incidentDalawang kalalakihan ang nabaril sa nangyaring shooting incident kahapon sa isla ng Boracay.

Kinilala ang mga biktima na sina Edlyn Padilla, 19-anyos ng Bacolod City at Roquito Tumbagahan 39-anyos ng Rizal Ibajay, Aklan.

Sa imbestigasyon at blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ayon sa caretaker ng The Cliff Resort na si Benny Clarite nasa dalawamput-apat na kalalakihan umano ang tinangkang pasukin ang kanilang resort.

Sa salaysay nito, tinutukan umano siya ng baril ng isa sa mga kasamahan ng isang Dr. Marichi Ramos ng Bacolod City habang inuutusan siyang buksan ang gate ng resort.

Kinuha daw nito ang susi sa loob subalit sa kanyang pagbalik ay laking gulat nalang niya na ang apat sa mga ito ay umaakyat na sa gate at pilit na pumapasok.

Samantala, dito na nakarinig ng putok ng baril si Clarite dahilan upang siya ay magtago.

Kalaunan ay napag-alaman na dalawa sa mga biktima na kasamahan ni Dr. Ramos ay may mga  tama na ng baril mula sa hindi pa natukoy na suspek o mga suspek.

Naisugod pa ang mga nabaril sa isang klinika sa Boracay subalit ini-refer ito sa bayan ng Kalibo para sa atensyong medical.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa naturang insidente na umano ay may kinalaman sa lupa o land dispute.

No comments:

Post a Comment