YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 29, 2017

Cruise Ship na MV Genting Dream,masisilayan sa isla ng Boracay

Posted August 29, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Masisilayan na bukas araw ng  Miyerkules, Agosto a trenta ang MV Genting Dream sa isla ng Boracay.

Ayon kay Caticlan Jetty Port Special Operation Officer III Jean Pontero, aasahan ang pagdaong nito sa ganap na alas- syete y medya ng umaga na tatagal hanggang alas-kwatro y medya ng hapon.

Nabatid na lulan ng barkong ito ang nasa mahigit kumulang 4,000 na karamihan ay Chinese Nationals at 2,000 mga crew members.

Napag-alamang matapos itong dumaong sa Guangzhou, China ay dadaan muna ito sa Manila papuntang Boracay at maglalayag pabalik ng China.

Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda na ginagawa ng Jetty Port para sa seguridad nito katuwang ang Philippine Army, Philippine National Police, Malay Auxilliary Police (MAP), MARITIME Police, Philippine Navy at Philippine Coast Guard kung saan nakaantabay rin ang Medical Team kasama ang Boracay Action Group (BAG) at Red Cross.

Samantala, ito na ang pang-siyam na barkong bumisita sa isla at inaasahan pa ang limang cruiseship bago matapos ang taong ito.

Ang Genting Dream ay dinesinyo para sa Asian cruise market na may malaking bilang ng mga restaurants, casino at espesyal na dinesinyong mga cabins.

No comments:

Post a Comment