Pages

Friday, March 24, 2017

Mga Water Providers sa bayan ng Malay, humarap sa Sangguniang Bayan

Posted March 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Muling naging panauhin sa ginanap na 10th Regular Session nitong Martes ang mga nagsusuplay ng tubig sa isla ng Boracay at sa Mainland Malay.


Ang pagharap ng Malay Water District at BIWC ay para masiguro ng
LGU-Malay ang maayos na serbisyo ng dalawang kumpanya lalo na sa tubig na maiinom.

Sa nakalipas na sesyon kasi ay tumanggap ng reklamo si LIGA President Juliet Aron na hindi raw maayos at nawawalan ng suplay ang Malay Water District.

Pagpuna ni SB Nenette Aguirre-Graf, hanggang ngayon ay hindi pa rin kaya ng MWD na magsuplay ng potable water dahil hindi pa rin ganoon kaganda ang kalidad ng tubig na lumalabas sa mga gripo ng mga taga-Malay.

Dagdag pa ng konsehala, ang problemang ito ng Malay Water District ay nananatili pa ring problema hanggang sa ngayon.

Dahil dito, minamadali ngayon na malagdaan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang Memorandum of Agreement sa Malay Water District para payagan na magsuplay din ng tubig ang Boracay Island Water Company (BIWC) sa Mainland.

Inusisa naman ni SB Fromy Bautista kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalagdaan  ang MOA na napag- alaman na noong buwan pa ng Oktubre ng nakalipas na taon ang nasabing kasunduan.

Paglilinaw ng representante ng TIEZA na si Michelle Rivera na may mga babaguhin pa sa provision na nakalathala sa kontrata na dapat munang ayusin bago selyuhan ang MOA para sa paglagda ni Mayor Cawaling.

Samantala, pinaabot naman ni Vice Mayor Sualog na sana ay mabigyan na ng agarang hakbang ang problemang ito dahil ang consumer ang napeperwisyo.

No comments:

Post a Comment