Pages

Thursday, March 23, 2017

MRF ng Balabag at Yapak, balak i-reactivate

Posted March 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for SB Nenet Aguirre-GrafInaayos na ngayon ang Materials Recovery Facilities o (MRF) ng Balabag at Yapak para makatulong sa pag-manage ng basura ng Boracay.

Sa panayam kay Committee Chairman on Environmental Protection SB Nenette Aguirre-Graf, ang pag-activate ng MRF sa Balabag at Yapak ay makakatulong umano para maibsan ang volume ng basura na tinatambak ngayon s Centralized MRF ng Manoc-manoc.

Sa ganitong paraan, tuloy-tuloy umano ang paghakot ng mga nakatambak doon na basura lalo na ng mga residual waste papuntang sanitary landfill ng Malay.

Nabatid kasi noon na hindi raw nahahakot ng Balabag at Yapak ang kanilang basura papuntang MRF dahil kulang sila sa truck at trabahador.

Wika naman ni Otic Macavinta Executive Assistant for Solid Waste Management, para makapag-function na ng mabuti ang Balabag at Yapak MRF, hiniling nito na magsumite na ng mga dapat nilang kailangan para sa operasyon upang mahanapan na nila ito ng paraan at maaayos na.

Ito ang kanilang nakikitang hakbang para mapadali at masolusyonan ang suliranin na hinaharap ngayon Centralized MRF sa Manoc-manoc.

Samantala, nagpapasalamat naman si Graf na meron na umanong nag-presenta ng mga barge para mapadali ang pag-haul ng basura patawid ng mainland.

Muli nitong paalala sa mga residente sa Boracay na gawin na lamang umano ng bawat isa ang obligasyon hindi lang sa salita kundi sa gawa.

No comments:

Post a Comment