Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na
nakapalag pa sa mga pulis ang may-ari ng residensyal at isang Security Guard matapos
itong mahuli sa magkahiwalay na drug
buy-bust operation kaninang umaga.
Pasado alas 6:30
kanina ng umaga ng maaresto ang suspek na si Claude Gindrat y Maurice, 60-anyos
isang Swiss National at may-ari ng Sampaguita Residence sa Sitio Hagdan, Brgy.
Yapak, Boracay.
Nahuli ang suspek
sa naturang lugar sa isinagawang operasyon ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan
PSC, Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG),
605TH Maritime Police, 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG 6
at PDEA.
Ang suspek ay sinasabing ng tatlong sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,000 na buy-bust
money mula sa isang poseur buyer.
Kaugnay nito, narecover
din umano sa live-in partner ng suspek na si Maria Marylove Guzon y Villaflor,
26-anyos ng Marcia Negros Occidental ang isang plastic sachet ng suspected
shabu na nakalagay sa kanyang wallet.
Iginiit naman ni
Villaflor sa mga pulis na wala umanong katotohanan na merong nakuhang droga sa
kanyang wallet.
Sa hiwalay namang
operasyon, nahuli rin ang suspek na si Errol Elisan y Tasis 33-anyos, isang
Security Guard, native ng San Jose Romblon at temporarayong nakatira sa Sitio
Lugutan, Brgy. Manoc-manoc sa pinag-samang pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP,
605TH Maritime Police, 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG 6
at PDEA.
Nakuha sa
posisyon ng suspek ang isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,000 na
marked money habang sa isinagawa pang body search ng kapulisan nakuhaan pa ito
ng isa pang hinihinalang droga.
Samantala,
nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 Article
II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.
No comments:
Post a Comment