Posted December 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa problema
na kinakaharap ngayon ng mga residente sa mga driver/operators ng mga
pampasaherong tricycle sa Boracay, nais ngayon ni Sangguniang Bayan Member
Floribar Bautista sumailalim ang mga ito sa Seminar.
Bagamat dumaan sa
seminar ang ilan sa kanila, hindi kumbinsido ang konsehal na dumaan sa tamang
orientation ang mga ito kung pagbabasehan ang mga reklamo ng publiko at
turista.
Iminungkahi rin
ng huli na dapat magkaroon ng penalidad kung sinu ang lalabag na mga operators kung
saan ayon kay Senior Land Transportation Officer Cesar Oczon na karamihan umano
sa kanilang mga nadadakip ay niri-refer sa opisina ng BLTMPC para sa mas mataas
na penalidad.
Sinagot naman ito
ni BLTMPC Vice Chairman Prudencio Vargas, dapat umanong i-adopt na ng LGU ang
mga polisiya sa pagbibigay ng penalidad.
Kaugnay nito, sinabi
pa ni Bautista na kailangan umanong kumuha ng seminar sa Tourism Office ang mga
drivers para sa kanilang accreditation bago sila mabigyan ng certificate at
endorsement ng BLTMPC para mamasada.
Dahil dito, dapat
umanong magkaroon na ng time table ng sa gayon ay mabilis na maaksyunan itong
problema sa transport system sa isla na isa ngayon sa agaw atensyon na problema
ng mga residente.
No comments:
Post a Comment