Posted December 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inilatag na ng
mga otoridad sa Camp Pastor Martelino ang kanilang preparasyon para sa
seguridad ng Kalibo Santo NiƱo Ati-Atihan Festival para sa tinaguriang “Mother
of All Philippine Festival” at iba’t-ibang aktibad na gaganapin sa probinsya.
Nabatid na
nagsagawa na umano ng Security Preparation Conference ang mga kapulisan sa
Aklan para rito.
Ayon kay Aklan
Police Provincial Deputy Director Superintendent Pedro Enriquez, masusi na rin
umanong nakikipag-koordinasyon sa kanila ang Philippine Army, Bureau of Fire
Protection, mga stakeholder at iba pang mga ahensiya upang masiguro at mapanatili
ang peace and order sa nasabing makasaysayang okasyon.
Samantala,
magtatagal naman umano ang pagtalaga ng mga pulis sa lalawigan dahil sa
pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe sa Enero at ng Association of
South-East Asian Nation (ASEAN) Summit na magsisimula sa Enero hanggang Pebrero
sa isla ng Boracay.
Sinabi din nito
na magpapakalat din umano ang APPO ng monitoring team at dinagdagan na ang
police visibility sa mga matataong lugar maiwasan ang kaso ng mga
pandurukot.
Ang Ati-atihan sa
Kalibo ngayong taon ng 2017 ay gaganapin simula ika-6 hanggang ika-15 ng Enero.
No comments:
Post a Comment