Pages

Wednesday, December 07, 2016

DSWD, patuloy ang pagbibigay ng pension sa mga Indigent Senior Citizens sa Western Visayas

Posted December 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patuloy ngayon ang pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pension sa mga Indigent Senior Citizens sa Western Visayas.

Ayon kay Harriete Yatar, Social Welfare Officer I ng DSWD, sa ikatlong quarter ng payout ay nasa 59,692 senior citizens mula sa mga lalawigan ng Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, at Guimaras ang tatanggap ng pension na aabot sa kabuuang P 89,538,000.00.

Nagsimula ang pamamahagi ng pension para sa quarter na ito noon pang Hulyo sa pamamagitan ng door-to-door delivery ng PhilPost.

Samantala, ang mga tatanggap naman dito ay yaong 60 years old pataas, mahina ang katawan at may kapansanan, walang regular na pinagkukunan ng kita, walang sustento galing sa pamilya at walang pension na galing sa (SSS, PVAO,Veterans, GSIS).

Nabatid na ang mga kwalipakado dito ay tatanggap ng P 500.00 monthly social pension mula sa national government.

No comments:

Post a Comment