Posted
August 22, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Puno ng
panghihinayang ang isang fruit vendor ng magsumbong sa Boracay PNP matapos
umanong nakawin ang kanyang bag sa loob ng kanyang tindahan sa Brgy. Balabag,
Boracay kahapon.
Nakilala ang
biktima na si Nelfa Divinagracia, 62- anyos.
Salaysay ng
biktima sa mga pulis, nasa loob umano siya ng kanyang tindahan ng mapansin
nitong nawawala na ang kanyang shoulder bag na nakalagay sa upuan.
Nabatid, na
naglalaman ang nasabing bag ng dalawang tablet, dalawang cellphone, dalawang
kwentas, isang singsing, bracelet at cash na mahigit P35, 000.
Nagpapatuloy
naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang responsable sa nasabing
nakawan kung saan sinasabi naman ng biktima na tanging ang kanyang live-in
partner lamang nito ang kanyang huling kasama bago mawala ang kanyang bag.
No comments:
Post a Comment