Pages

Monday, August 22, 2016

Mga armas at shabu nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Boracay

Posted August 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustNasabat ng mga otoridad ang mahigit labing isang sachet ng suspected shabu at mga armas sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc, Boracay nitong Biyernes.

Sa pinag-samang pwersa ng Malay Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP, Boracay PNP at Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT) nakuha sa suspek na si Calixto Morantes alyas “Chito”, 44-anyos ang labing isang suspected shabu, drug paraphernalia at tatlong kalibre ng baril.

Napag-alaman na nakatunog ang suspek na isang poseur buyer ang nakabili sakanya ng iligal na droga dahilan para mabilis nitong pagtakas.

Sa ngayon ay nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Morantes.

Samantala isa namang 20-anyos na lalaki ang kulong sa hiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc nitong araw naman ng Sabado.

Kinilala ang bsuspek na si Tim Cajilo alyas “kim-kim, 20-anyos at residente ng naturang lugar.

Nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon ng Provincial Anti Illegal Drug Special Operations Task Group (PAIDSOG), Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Provincial Safety Company (APSC), Maritime Group, at PDEA.

Nakuha sa suspek ang isang suspected shabu na binili ng isang poseur buyer sa halagang P1,000 habang sa body search naman nito ay nakuha pa sa bulsa ng suspek ang dalawa pang pinaghihinalaang shabu.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

No comments:

Post a Comment