Posted April 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Handang-handa na
ang anim na team ng Boracay Island Paddlers Association o (BIPA) para sa
gaganaping Dtragon Boat Competition dito sa Boracay sa Abril 21-23, 2016 .
Ayon kay BIPA
Vice President and Chairman (BIDBF) o Boracay International Dragon Boat
Festival Tootsie Ronnholm, full-force umano ang kanilang team para sa nalalapit
na laban at kung saan puspusan ngayon ang kanilang pag-iinsayo upang maipanalo
ang kanilang team.
Aniya, ang
nasabing kumpetisyon ay lalahukan ng 700 partisipante mula sa ibat-ibang panig
ng mundo kung saan mag-uumpisa ang kanilang laro sa Abril 22 sa 500 meter race
at 250 meter race naman sa Abril 23 sa Station 2 sa harap ng Hennan Resort kung
saan kasabay din nito ang awarding ng mga mananalo.
Nabatid ang anim
na koponan ay kinabibilangan ng Boracay All Stars, Boracay Dragon Force,
Boracay Dragonflies, Boracay Sea Dragons, Nami Ati Team, Boracay Bumshells kung
saan kabilang din dito si Ronnholm.
Ang Dragon Boat
Competition ay taunang ginaganap sa isla ng Boracay na ngayon ay nasa
ika-sampung taon na.
No comments:
Post a Comment