Pages

Wednesday, April 13, 2016

Edwin Villanueva ng Malay NHS, Gold Medalist sa Palarong Pambansa sa kabila ng kapansan

Posted April 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Hindi nagpa-awat ang isang manlalarong si Edwin Villanueva mula sa bayan ng Malay sa kabila ng kanyang kapansanan kung saan parehong putol ang kanyang dalawang paa.

Katunayan si Edwin ay nakakuha ng Gold Medalist sa nagpapatuloy ngayong Palarong Pambansa sa Albay, kung saan tinalo nito ang mga manlalaro sa ibat-ibang rehiyon.

Dahil dito malaki naman ang pasasalamat ni Public School District Supervisor Jessie Flores sa trainor ni Edwin na si Mr. Iquinia at sa coach na si Luneta Tumaob kasama na ang Provincial Government ng Aklan, Lgu Malay at sa mga tumulong para makasali si Edwin sa nasabing kumpetisyon.

Nabatid na si Edwin ay isang 17-anyos na kabilang sa PWDS dahil sa parehong putol ang kanyang paa na isa namang mag-aaral ng Malay National High School.

Si Edwin ay tinanghal na Gold Medalist sa breast stroke at Silver Medalist sa back stroke kung saan nanalo rin siya ng 3 gold medals sa swimming competition sa nakaraang West Visayan Regional Association Meet sa siyudad ng Iloilo noong Pebrero 8-12, 2016.

No comments:

Post a Comment