Posted March 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasalukuyan na ngayong sumasailalim ang Jetty Port
Administration para sa dry-run ng Turnstile machine sa Caticlan Jetty Port.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, ready
to operate na ang nasabing machine ngunit nasa testing palang umano ito sa
ngayon.
Ang natura umanong machine ay para sa dadaanan ng mga
turista at Aklanon residence pasakay ng bangka papuntang Boracay.
Nabatid na susuriin ng machine ang ticket na may bar code
na kukunin sa Aklanon lane o sa tourist lane na walang bayad para makadaan sa
nasabing Turnstile.
Sa kabila nito sinabi ni Maquirang na kailangang ang mga
dadaan sa Aklanon lane ay may maipakitang ID na sila ay Aklanon residence o
manggagawa sa isla dahil kung wala umano silang maipakitang ID ay hindi sila
makakadaan sa nasabing turn style.
Ang turn style machine ay proyekto ng Aklan Provincial
Government bilang pag-upgrade sa mga pasilidad ng Caticlan Jetty Port na siyang
gateway papuntang isla ng Boracay.
Samantala, plano din ng probinsya na maglagay ng nasabing
machine sa Paliparan sa Aklan para hindi na dumaan ang mga ito sa turn style sa
Caticlan Jetty Port.
No comments:
Post a Comment