Ni Inna Carol L. ZAmbrona, YES FM Boracay
Pasa sa
ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang tinamo ng isang turistang Swedish
national sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.
Ito’y matapos
umano siyang pagtulungan bugbugin ng tatlo hanggang apat na kalalakihan na
hindi naman nito nakilala.
Sa report ng
Boracay PNP, ang biktima ay kinilalang si Victor Lo na nanunuluyan sa isang
guest house sa isla.
Base sa salaysay
ng mga pulis, kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa loob ng bar
ng bigla itong hinila ng bouncer patungo sa labas.
Ngunit ng nasa
labas na umano ito ay dito siya nilapitan ng grupo ng mga kalalakihan at
pinag-tulungan bugbugin na agad namang tumakas.
Mabilis ding
naisugod ang biktima sa malapit na pagamutan para bigyan ng agarang medikasyon
ay kanyang tinamong mga sugat sa katawan.
Samantala,
ini-imbestigahan na ng mga pulis kung ano ang kabuuang dahilan ng pambubug-bog
sa biktima kung saan marahil din umano sa kalasingan nito ang naging dahilan ng
nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment