Pages

Monday, February 08, 2016

Kaso ng dengue sa Aklan nitong Enero pumalo na sa 99

Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for denguePumalo agad sa siyam naput siyam ang naitalang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan sa loob lamang ng tatlong linggo nitong Enero 2016.

Ito ay base sa naging tala ng Department of Health (DOH-6) kung saan umabot naman sa 492 ang dengue cases sa Western Visayas sa kaparehong petsa.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 46 na porsyento kumparaa sa 265 na kasong nai-record ng kaparehong period noong 2014.

Samantala, nangunguna naman ang probinsyan ng Negros Occidental sa may pinakamataas na kaso ng dengue kung saan umabot ito sa 122, sinundan naman ng Capiz na may 100; Aklan na may 99, Iloilo na 85; Iloilo City 39; Antique na may 38, Bacolod City at Guimaras na may tig 4.

Ang dengue ay mula sa kagat ng lamok na may dalang bacteria kung saan ang tatamaan nito ay lalagnatin at magkakaroon ng mga rushes sa katawan.

No comments:

Post a Comment