Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong Sabado na ang itinakdang Mock election ng
Commission on Election (Comelec) Nationwide para sa darating na halalan sa
Mayo.
Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, ito umano
ay parang dry-run kung saan sasailalim sa training ang mga BEI na
kinabibilangan ng mga guro kasama na ang mga pulis.
Sinabi nito na ang Mock election ay isasagawa sa
Poblacion Malay at sa Brgy. Balabag kung saan pipili naman sila ng isang daang
botante na sasailalim para rito sa pamamagitan ng optical reader machine.
Layun umano nito ay para malaman kung ano ang magiging
resulta ng magiging eleksyon sa Mayo 9 at kung ano ang posibleng magiging
problema na kailangang agad maisayos.
Nabatid na matapos ang Mock ay agad na isasailalim sa
counting at transmittal ang mga balota para sa tinatawag na manual audit at
pagkatapos nito ay ikukumpara ang resulta na igi-generate ng machine.
Samantala, iniimbitahan naman ni Cahilig ang mga botante
na maaari nilang saksihan ang nasabing Mak eleksyon upang maging handa sa
nalalapit na halalan.
No comments:
Post a Comment