Posted February 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ngayon ang
isang babae na matagal ng pinaghahanap ng mga pulis matapos itong mahuli sa
isang spa sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon.
Nakilala ang
suspek na si Leonida Gestiada 41-anyos residente ng Zambuanga del Norte at
temporaryong nakatira sa Sitio Bung-aw Brgy. Manoc-manoc Boracay.
Sa pinagsamang
pwersa ng Malay PNP at Boracay PNP na-aresto ang suspek na may kasong Parricide
o pagpatay umano sa kanyang sariling pamilya.
Wala namang
itinalagang piyansa si Hon. Dominggo Casipe Jr. presiding judge of regional
trial court 6 judicial region branch 7 Kalibo, Aklan sa nasabing suspek.
Sa ngayon, ay
pansamantalang naka-kulong ang suspek sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) para sa kanyang karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment