Posted February 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malapit ng matapos ang buwan ng Pebrero pero hindi parin
natatapos ang deleberasyon sa budget ng Local Government Unit ng Malay para sa
taong 2016.
Sa ginanap na 8th regular SB Session ng Malay
kahapon ay iprinisinta rito ang nasabing budget na nagkakahalaga ng P400 Milyon
pesos.
Dito ipinakita sa mga konsehales ang paghati sa nasabing
budget para sa bawat departamento at ibat-ibang proyekto na pagagamitan
kabilang na ang budget para sa Security Services na may halagang mahigit
sampung milyong peso at General Services na mahigit anim na milyong peso.
Sa kabila nito binusisi bawat isa ni SB Bautista ang
naturang mga budget sa bawat departamento at kung saan paggamitin.
Ang nasabing budget ay nakabinbin pa ngayon sa 2nd
reading at tatalakaying muli sa susunod na SB Session sa araw ng Martes sa
pangunguna ni SB member at Chairman ng Committee on laws at Budget na si Rowen
Aguirre.
No comments:
Post a Comment