Posted December 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito ay base sa inilabas na investigation report ng
Boracay Island Special Fire Protection Unit (BISFPU).

Kaugnay nito patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BISFPU
sa sanhi ng nasabing sunog kung saan sinasabi namang faulty electrical wiring ang
pinagmulan nito.
Napag-alaman na mahigit sa limampung kabahayan ang tinatayang
natupok ng apoy kung saan karamihan nito ay mga boardinghouse na yari sa light
materials.
Samantala, wala namang napaulat na namatay sa nangyaring
sunog ngunit sampu naman ang sinasabing nasugutan matapos magpumilit na iligtas
ang kanilang mga nasusunog na gamit.
No comments:
Post a Comment