Posted December 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
![]() |
Photo Credit to Boracay PNP |
Nakilala ang dalawa na sina Mary Ann Gamboa Pareño ng
Luna, Lapaz, Iloilo City at Carlo Perez Paniza mula sa La Granja, Lapaz, Iloilo
City.

Nabatid na agad nagsagawa ng manhunt operation ang
Boracay PNP para sa ikadarakip ng mga suspek sa lugar kung saan sinasabing
nagtatago ang mga ito.
Kaugnay nito narekober naman ng mga kapulisan sa
kustudiya ng mga suspek ang isang sets ng door lock na nakapangalan sa Sespeñe
Trading, rolyo ng sand paper at electric wire, pares ng tsinelas at orange na
prutas.
Samantala, base sa rekord ng mga kapulisan si Pareño ay
makailang beses na ring naaresto sa kaparehong kaso kung saan inihahanda na rin
ngayon ang kasong theft na isasampa sa mga mga ito.
No comments:
Post a Comment