Posted December 17, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanawagan ngayon
ang Municipal Health Office (MHO-) Malay sa mga hindi nabigyan ng Oral Polio
Vaccine partikular ang mga Day Care Students sa Boracay.
Ayon kay Malay
Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie
Aspiras, ang mga hindi umano nakapunta sa kanilang unang pag-bibigay ng Oral
Polio Vaccine ay binibigyan nila ng pagkakataon para magkaroon nito.
Sinabi nito na
kailangan lang pumunta ang mga ito sa Health Center ng Manoc-manoc, Yapak at
Balabag ngayong Biyernes Desyembre 18 ng alas-8 ng umaga.
Ngunit kung hindi
naman umano makakapunta sa Biyernes ay pwede naman silang pumunta sa Desyembre
22-23 o di kaya ay sa 28 at 29 ngyong buwan ng ala- 1 ng hapon.
Nabatid na ang
nasabing Oral Polio Vaccine ay ligtas umano para sa mga mabibigyang mga bata.
No comments:
Post a Comment