Pages

Friday, December 18, 2015

700 mga pulis ipapakalat sa Ati-Atihan Festival 2016

Posted December 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kung dati ay umabot lamang sa mahigit sa tatlong daan ang ipinakalat na pulis sa Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015, ngayong taong 2016 ay umabot na ito sa 700.

Ito ang sinabi ni KASAFI Chairman Albert Meñez sa isinagawang meeting kahapon kasama ang mga media sa Aklan para sa preparasyon sa darating na kapistahan.

Ayon kay Meñez ito umano ang kanyang nakuhang impormasyon base sa Aklan Police Provincial Office na siyang nakatalaga para sa seguridad ng Ati-Atihan Festival sa Enero 9 hanggang 17, 2016.

Napag-alaman na karamihan sa mga pulis na maa-assign sa Kalibo ay mula pa sa kalapit na mga probinsya ng Aklan para sa pagpapaigting ng seguridad.

Nabatid na ang mga nasabing pulis ay nakatalaga para sa pagbabantay ng trapiko, mga lugar na dadaan ng mga kasaling tribo at sa pagbabatay sa mga area na mayroong ibat-ibang kasiyahan.

Samantala, tiniyak naman ng Kalibo Sto.Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. na mas magiging maganda at makulay ang selebrasyon sa kapistahan ni Sto.Niño sa 2016.

No comments:

Post a Comment