Posted November 27, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Duguan ang isang mister matapos itong tagain ng kanyang sariling
misis alas 6:45 kahapon ng umaga sa Brgy. Libertad, Nabas, Aklan.
Nakilala ang biktimang si Leonardo 57- anyos at asawa
nitong suspek na si Eva Castro 68- anyos.
Ayon sa report ng Nabas PNP, dahil umano sa away at pananakit
ng mister nito sa kanyang misis ang siyang itinuturong dahilan para tagain nito
ang kanyang mister ng tatlong beses sa kanyang ulo at sa kaliwang kamay ng isang
beses.
Nabatid na bago nangyari ang insidente ay umalis umano
ang mga anak ng mag-asawa sa kanilang bahay dahil umano sa takot sa kanilang
ama.
Agad namang dinala si Leonardo sa Baptist Hospital ng
Malay pero agad namang ni-refer ito sa bayan ng Kalibo para mabigyan ng
karampatang medikasyon.
Samantala wala namang balak ang mister nitong ipakulong
ang misis matapos ang ginawang pagtataga nito sa kanya.
No comments:
Post a Comment