Posted July 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ito ay inorganisa mismo ng nasabing tanggapan kung saan
sumailalim ang mga pulis sa mga paghahanda sakaling maranasan ang kalamidad sa
pamamagitan ng lindol.

Maliban sa mga pulis nauna ng sumailalim sa Earthquake
Drill ang tanggapan ng Philippine Coastguard at Bureau of Fire Protection Unit
sa Boracay kasabay ng mga paaralan sa bayan ng Malay kahapon ng umaga.
Kaugnay nito nakatakdang muling sumailalim ang Boracay
PNP Station sa Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na linggo na oorganisahin
ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Samantala ilang paaralan at National Government Agencies
rin sa bansa ang lumahok sa ginanap na National Simultaneous Earthquake Drill
kaninang umaga bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Consciousness month
ngayong buwan ng Hulyo.
No comments:
Post a Comment