Posted
July 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos silang magsagawa ng unang meeting sa pangunguna
ni KASAFI Chairman Albert Menez at ng LGU Kalibo kung saan nakipag-negosasyon na
ito sa mga sponsors para sa nasabing festival kasama na ang pakikipag-usap sa
isang television network sa bansa.
Ayon kay Menez ibibida sa 2016 Kalibo Ati-Atihan Festival
ang ibat-ibang contest na kinabibilangan ng Tribal Group at Group street
dancing contest na masasaksihan sa Enero 16-17.
Maliban dito kasama din sa mahigit isang linggong okasyon
ang Hala Bira Ati-Atihan nights, 9 na araw na novena para kay Santo Niño, Pilgrim
mass, Sinaot sa Kalye, Aklan Festival parade at Higante contest, Mutya ng
Kalibo Ati-Atihan pageant at coronation night, Ati-Atihan flea market at religious
procession.
Nabatid na ang opening Salvo ng Ati-Atihan Festival ay
magaganap ngayong buwan ng Oktobre 2015 kung saan ipapatikim sa mga manunuod
ang ibat-ibang palabas para sa naturang festival sa tulong na rin ng mga
stakeholders sa Aklan habang sa Enero 9-17 2016 ang highlight ng naturang kapistahan.
No comments:
Post a Comment