Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlumpung bahay na umano ang naipatayo sa Ati Village sa
isla ng Boracay sa tulong ng ibat-ibang concern agencies at ng gobyerno.
Ito ang ibinalita ng mga katutubong Ati sa kanilang
pagdalo sa ginanap na 20th Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay
kaninang umaga.
Nabatid na ang pagdalo ng mga Ati sa nasabing Session ay
upang ibahagi sa mga Konsehales ang kanilang mga naipagawang proyekto at
programa sa tulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Maliban dito humiling din ang mga Ati sa SB Malay sa
pamamagitan ni Atty. Leilene Marie Gallardo-Regional Director ng
NCIP-Antique/Aklan Community Service na kung maaari ay tulungan sila sa
financial assistance para sa pagsasaayos ng kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT).
Samantala, tugon naman ng SB Malay gagawa sila ngayon ng
mga hakbang at agarang aksyon upang maisakatuparan ang kahilingan ng mga Ati sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment