Pages

Wednesday, June 10, 2015

#AbolishBoracayBuildingPermitNow usap-usapan ngayon sa Social Media

Posted June 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Usap-usapan ngayon at patuloy na kumakalat sa mga social networking site katulad ng Facebook ang #AbolishBoracayBuildingPermitNow.

Ito ang panawagan ng ilang nitizens kay DENR Sec. Ramon Paje, Aklan Government, LGU Malay, Department of Tourism at kay mismong Pangulong NoyNoy Aquino.

Hiling nila na ma-protektahan ang natitirang forest land ng Boracay kung saan ikinumpara rito ang Mapa noong 2003 na halos kulay birde pa ang makikita sa isla at nitong 2014 na halos puro building na ang masisilayan sa Boracay.

Karamihan naman sa mga nitizens ang pumabor na dapat na umanong e-demolish ang pagbibigay ng permit sa pagpapatayo ng anumang instraktura sa Boracay.

Maliban dito kumakalat din ngayon ang ilang mga larawan ng mga itinatayong malalaking building sa Boracay kung saan makikita ang mga pinutol na mga punong kahoy at pagwasak ng mga bundok.

Samantala maliban sa #AbolishBoracayBuildingPermitNow trending din ngayon ang #saveboracay at #weloveboracay na nagpapabot ng pagkabahala sa kalagayan ng itinuturing na pinakasikat na isla sa buong mudo.

No comments:

Post a Comment