Pages

Wednesday, June 17, 2015

Mga residente ng Sitio Ambolong Manoc-manoc Boracay, binulabog ng sunog, tinatayang 50 kabahayan, nilamon ng apoy

Posted June 17, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Binulabog ng sunog ang mga residente ng Sitio Manggayad, Manoc-manoc, Boracay alas-dos nitong hapon.

Base sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa likurang bahagi ng isang tindahan na unang tumupok sa mahigit kumulang sampung kabahayan.

Subali’t mabilis na lumobo ang bilang ng mga nasunog na habay at establisemyento dahil sa malakas na hangin.

Dahil dito, mabilis na nilamon ng apoy ang mga tindahan sa Talipapa-Bukid, kung kaya’t nagkanya-kanya din sa pagsalba ng mga gamit at paninda ang mga ito.

Samantala, naging pahirapan ang pagresponde at pag-apula ng apoy ng mga bombero dahil sa kasikipan ng lugar, kung kaya’t halos buong pwersang kumontrol sa trapiko at mga nakikiusyuso sa lugar ang mga taga Boracay PNP.

Nagsmistula namang talipapa ang mga karatig resort sa lugar nang buksan nila ang kanilang gate upang pansamantalang makisilong at may mapaglagyan ng mga hinakot na gamit ang mga nasunogang residente.

Patuloy namang iniimbistigahan ang sanhi ng sunog na umabot ng halos tatlong oras.

No comments:

Post a Comment