Pages

Tuesday, May 05, 2015

Mga fire fighters sa Western Visayas itinilaga sa Boracay para sa APEC ministerial meeting

Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bureau of fire and protection Unit Region 6Maliban sa mga pulis at military itinilaga rin ngayon sa Boracay ang mga fire fighters mula sa Western Visayas para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ministerial meeting.

Ayon kay Senior Superintendent Eleuterio Iturriaga, BFP regional director, dumating umano kaninang umaga sa Boracay ang tinatayang 209 personnel ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na bubuo sa APEC Site Task Force (STG)-Boracay 2015.

Sinabi din nito na ang BFP ay mag de-dispatched ng medical, emergency at rescue vehicles na kinabibilangan ng fire trucks at ambulansya sa ilalagay sa pangunahing lugar sa Boracay.

Dagdag nito na ang Fire engines at buster fire trucks mula sa BFP Balete, New Washington, Boracay, Ibajay, Oton Iloilo, Kalibo, Iloilo City (Barangay Obrero), San Jose Antique ay itinalaga  para sa deployment sa APEC.

Napag-alaman na ang Rosenbauer fire trucks ng Roxas City at Passi City ay naka-deploy naman sa Caticlan Airport at Caticlan Jetty Port.

Nabatid na ang gaganapin ang second Senior Officials Meeting (SOM) ngayong Mayo  10-21 at ang Ministers Responsible for Trade Meeting ay sa darating naman ng Mayo 23 hanggang Mayo 28 sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment